75
Catriona hinarana nina Billy, James, Marcus sa ‘It's Showtime’
By

Catriona hinarana nina Billy, James, Marcus sa ‘It’s Showtime’

Trending topic ang pagpaparangal ng “It’s Showtime” kay Miss Universe 2018 Catriona Gray nitong Biyernes.

May hashtag itong #Filipina Girl at #Queen Cat.

Inawitan nina Billy Crawford, James Reid at Marcus Davis si Queen Cat ng “Nothing in the world like a Filipina girl.”

Binigyan din siya ng mga bulaklak ng mga bata.

Kahapon (Pebrero 21) ginanap ang Grand Homecoming sa bansa ng Reyna.

Nilibot niya ang ilang bahagi ng Maynila, Pasay at Makati.

Hindi nakitaan ng pagkapagod si Queen Cat na panay pa rin ang indak habang nasa karosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?