178
Catriona Gray nais gawing tourism ambassador ni Duterte
By

Catriona Gray nais gawing tourism ambassador ni Duterte

Nais gawing tourism ambassador ni Pangulong Rodrigo Duterte si Miss Universe 2018 Catriona Gray kapag natapos na ang tungkulin nito bilang Miss Universe.

Ito ang pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat nitong Lunes, Pebrero 18 sa launch ng refreshed tourism campaign.

Saad ni Puyat, nagpahayag ng intensyon ang Pangulo nag awing tourism envoy ang 25-year-old beauty queen sa naganap na courtesy call ni Catriona kay Duterte noong Disyembre.

“He actually said that after her (Gray’s) term, [he] wants her to be like an envoy for tourism—tourism ambassador because she’s really been…even before she won as Miss Universe she was already promoting our country and so it’s but fitting,” pahayag ni Puyat.

Nakatakda nang makipagkita ang Department of Tourism kay Catriona sa susunod na linggo para sa posibleng collaboration sa promosyon ng turismo.

Dagdag pa ni Puyat, nakatrabaho na ng DOT si Gray noon nang bumisita ito sa mga tourist destination sa Luzon, Visayas, at Mindanao at i-feature ang mga ito sa kaniyang tourism video para sa Miss Universe pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?