19

Jan 25, 2021 @ 13:41
By

Catriona Gray: Maganda ako kahit walang makeup!

Upang ipagdiwang ang pagiging verified ng account ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa TikTok, isang video ang ipinakita niya kung saan binura niya ang kanyang makeup.

“I live for glam moments but, I feel prettiest when I’m just…? we’re verified! thanks @tiktokphilippines ????,” saad niya sa caption ng TiktTok video.

Agad naman itong umani ng maraming view at like mula sa kanyang mga tagahanga.

Si Gray ang ikaapat na nakasungkit ng korona ng Miss U para sa Pilipinas.

Una na itong nasungkit nila Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973) at Pia Wurtzbach (2015).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?