78

Dec 26, 2018 @ 17:46
By

Catriona gagawing army reservist ng AFP

Nais ng Department of National Defense (DND) na maging army reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, nais nilang kumbinsihin ang beauty queen na pumasok bilang army reservist sa Philippine Army.

“I’ll talk to her kung gusto niyang mag-reservist. Dapat [sa] Army siya,” ayon kay Lorenzana na isang retired Army Major General sa naganap na yearender press conference.

Sa ilalim ng AFP Reservist Act of 1991, ang mga reservist ay may mandato na maglaan ng base para sa expansion ng AFP sa nagaganap na giyera, pananakop o rebelyon.

Siya rin ang mangangasiwa sa relief and rescue sa anumang kalamidad; mag-aasikaso sa socioeconomic development; at tutulong sa operasyon at maintenance ng pangangailangan ng pamahalaan o sa pribadong gawain para sa misyon.

Kaugnay nito, nais ni Lorenzana na bumisita si Gray sa military camps at umaasa siyang tatanggapin ni Catriona ang kanyang alok at isang malaking karangalan para sa mga sundalo kung makakabisita ang Miss Universe 2018 sa mga kampo ng militar.

Si Gray, 24-anyos, ay nanalo bilang Miss Universe 2018.

Siya ang ika-apat na Filipina na nakoronahang Miss Universe kasunod nina Gloria Diaz, Margarita Moran at Pia Wurtzbach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?