Mga jeepney driver, nanlilimos pa rin sa kalsada

Mga jeepney driver, nanlilimos pa rin sa kalsada

Matapos mapag-usapan sa Senado ang 10-bilyong pisong pondo na hindi pa naipamahaging Social Amelioration Program o SAP ay may mga jeepney driver pa din na tuloy sa paglilimos sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quezon City bunsod ng hindi pa din nakakatanggap ng ayuda at hindi pa din sila nakakabyahe dahil sa pandemya sa Pilipinas.


Anti-Drug campaign mas pinalakas!

Anti-Drug campaign mas pinalakas!

MOA signing sa PDEA National Headquarters kasama sina People’s Television Network Inc. (PTNI) General Manafer Katherine de Castro, PDEA Director General Wilkins Villanueva, PCOO Usec. Atty. Marvin Gatpayat, at PBS Director General Rizal Aportadera Jr. para mailathala ang mas malawak na audience kaugnay sa Anti-Drug campaign.


Dolomite sa Manila Bay inaagnas?

Dolomite sa Manila Bay inaagnas?

Ayon sa ilang netizen ay tila inaanod at naaagnas o nawawala ang dolomite na inilagay sa Manila Bay ngunit ayon sa DENR ay normal umano ang ganoong erosion at may mga inihanda silang paraan upang hindi humulas o maagnas ang dolomite.


Truck tumagilid sa Valenzuela

Truck tumagilid sa Valenzuela

Natumba at tumagilid ang 6-wheeler truck na ito sa Mindanao Avenue sakop ng Valenzuela City matapos ma-out of balance sa kanyang pagliko.


Pagsisigarilyo posibleng makahawa ng COVID-19

Pagsisigarilyo posibleng makahawa ng COVID-19

Mahigpit na nagpapatupad ngayon ng NO SMOKING sa buong complex ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil ang paniniwala ng NAIA na posibleng magkaroon ng hawaan sa smoking area dahil sa hindi matitiyak na walang mapapasama droplets or laway sa pagbuga ng usok.


Mga mamimili dumaragsa na sa Divisoria

Mga mamimili dumaragsa na sa Divisoria

Tila ramdam na ang Ber months sa Divisoria dahil dumarami na ang mga namimili rito ngayong pandemya kung saan ang iba rito ay pangnegosyo at pangregalo.


Serology testing patuloy sa Maynila

Serology testing patuloy sa Maynila

Tuloy-tuloy ang isinasagawang serology testing sa mga barangay sa Maynila habang patuloy naman na dumarami ang gumagaling sa COVID-19 sa lungsod ayon kay Mayor Isko Moreno.


Capiral brothers sinampahan ng kaso sa DOJ

Capiral brothers sinampahan ng kaso sa DOJ

Patong-pato na mga reklamo ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa opisyal ng ahensya at kapatid nito na naaresto sa dahil sa pangingikil sa nga taong dawit sa ‘Pastillas Scam’. Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Paul Capiral, NBI legal assistance section chief at kapatid na si Christopher.


P1.4M shabu, marijuana nasabat sa Pasay, 2 timbog

P1.4M shabu, marijuana nasabat sa Pasay, 2 timbog

Balik-rehas ang drug suspek na si Isabelo Balabat na 2 buwan pa lang nakalaya dahil sa probation kasama ang isang Ferdinand Conde sa isinagawang buy-bust operation ng Pasay City Station Drug Enforcement Unit (SDEU) matapos makompiskahan ng P1.4M halaga ng shabu at marijuana at kalibre .45 na baril sa 142 Area J, Chest Clinic Compound, Baranay 186 sa Pasay kamakalawa.


DOTr, babantayan na ang mga e-scooter at e-bike

DOTr, babantayan na ang mga e-scooter at e-bike

Sinabi ni LTO ASec. Edgar Galvante na nagsumite na ang kanyang ahensya ng paunang kopya ng mga alituntunin sa Department of Transportation o DOTr hinggil sa mga de-kuryenteng sasakyan, kabilang ang mga e-scooter at e-bike. Maglalabas ang DOTr ng memorandum circular na magbabantay sa lahat ng uri ng electric vehicles sa susunod na mga araw.


Face mask, face shield inilalako sa QC

Face mask, face shield inilalako sa QC

Pansamantalang pumarada ang isang asul na sasakyan sa harap ng Commission on Higher Education (CHED) sa kahabaan ng C.P Garcia Avenue, Quezon City kung saan makikitang nagtitinda ito ng face mask at face shield.


Bagong mukha ng Anda Circle

Bagong mukha ng Anda Circle

Puspusan ang isinasagawang pagsasaayos at pagpapaganda sa Anda Circle sa Port Area, Manila. Kabilang sa bagong atraksyon na inilagay dito at ang fountain sa gitna at magagandang ilaw na nakatakdang buksan sa mga susunod na araw.


Traffic sa Maynila old normal ulit

Traffic sa Maynila old normal ulit

Tila old normal pa rin ang daloy ng trapiko sa Roxas Boulevard dahil usad pagong ang nararanasan ng mga motorista ngayong araw ng Martes.


Kotse yupi sa cement mixer, 3 sugatan

Kotse yupi sa cement mixer, 3 sugatan

Nadaganan ng cement mixer ang isang kotse matapos tumagilid sa kanto ng 10th Avenue at De Jesus sa Caloocan kaninang madaling-araw. Sugatan ang driver at dalawang sakay nito at dinala agad sa pinakmalapit na pagamutan.


Mga siklista isinusulong World Car Free Day

Mga siklista isinusulong World Car Free Day

Nagsama-sama ang ilang bikers upang isulong ang World Car Free Day na naglalayong i-promote ang paggamit ng bisikleta o paglalakad upang mabawasan ang polusyon sa mundo.