4

By

Catantan, mga fencer tatagpas ng 1st Asiad medal

Sharing is caring!

Manalo lang ng medalya na maski anong kulay ang 7 o hanggang 8 fencers ni 18th Asian Games chef-de-mission Richard Gomez sa 2018 Asiad sa Agosto 18-Setyembre 2, masaya na siya.

Magiging kasaysayan na rin para sa sport sa bansa sinuman ang maka-medal kina Samantha Kyle Catantan, Maxine Esteban, Justine Tinio, Brenan Louie, Nathaniel Perez, Michael Nicanor at Hanniel Abella.

Sapul nang maging medal sport ang fencing sa quadrennial multi-sport event noong 1974 sa Tehran, Iran, wala pang natatagpas na kahit anong medalya ang mga Filipino fencer, umaabot na sa kabuuang setlog sa medalya sa nagdaang 11 edisyon ng kompetisyon.

Para maihanda sa Asiad, hinirit ni Gomez na bukod sa alkalde ng Ormoc City ang siya ring pangulo ng Philippine Fencing Association, Inc. na sumailalim ang Nationals sa 3-linggong training sa Paris, France at lumahok sa 3 torneo na kinabibilangan ng Junior and Cadet World Championships sa Italy noong Abril, 22nd Asian Championships sa Thailand nung Hunyo, at sa 15th World Championships sa China sa nakalipas na buwan.

Sinabi kahapon ni PFAI general manager Maria Leonor Estampador na pwedeng maging 8 ang bets nila sa nalalapit na paligsahan.

“We’re still waiting for approval to replace Noellito Jose, Jr. with Wilhelmina Lozada,” aniya sa tengga pang magiging kasagutan ng Indonesia Asian Games Organizing Committee. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?