24

Nov 22, 2021 @ 18:46
By

Catanduanes nilagay sa Alert Level 4

Nilagay sa Alert Level 4 ang lalawigan ng Catanduanes sa Bicol region sa pagsisimula ng alert level nationwide nitong Lunes.

Sa Alert Level 4, pinapayagan lamang ang interzonal at intrazonal travel sa mga edad 18 hanggang 65.

Hanggang sampung porsiyento lamang ang pinapayagang kapasidad sa mga establisyimento sa indoor venue para sa mga bakunado habang 30% sa outdoor venue.

Samantala, 12 lugar naman ang isinailalim sa Alert Level 3, kung saan pinapayagan ang hanggang 30% indoor venue capacity para sa mga bakunado at 50% sa outdoor venue.

Ito ay ang Apayao, Baguio City, Ifugao, Mountain Province, Batanes, Nueva Vizcaya, Quirino, Siquijor, Isabela City, Zamboanga City, Dinagat Islands at Sulu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?