22
catanduanes
By

Catanduanes lilinis sa droga pagdating ni Espenido

Sharing is caring!

Sa Nobyembre nakatakdang umupo ang kontrobersyal na inspektor sa probinsya ng Catanduanes.

Si Police Chief Inspector Jovie R. Espenido ay matatalaga sa Catanduanes base sa natanggap na memorandum noong October 11, 2018 mula sa Directorate for Personnel and Records Management ng Camp BGen Rafael T. Crame sa Quezon City na pirmado ni Police Director Lyndon G. Cubos.

Ayon kay Police Regional Office 5 Information Office Chief Inspector Malu Calubaquib, naka-vacation leave si Espenido at nakatakdang umuwi ng bansa sa Nobyembre na kung saan ay diretso na ito sa pag-upo bilang hepe ng Catanduanes Police Provincial Office.

Samantala, marami naman ang natuwa sa pagkakatalaga kay Espenido sa tinaguriang ‘shabu hot bed’ sa Bicol region, kasabay nito ay maagang nagpasaring si Espenido sa mga kokontra sa kanyang pag-upo at ang mga umanoy pasaway na politiko dahil hindi sila sasantuhin ng inspektor.

Matatandang naging kontobersyal si Espinido matapos ang pagkakapatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa loob ng Provincial Jail kung saan siya ang nakaupong Police Chief ng Albuera, Leyte noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?