29
catanduanes

Catanduanes inugoy ng 5.9 na lindol

Sharing is caring!

Inuga ng magnitude 5.9 na lindol ang Catanduanes ngayong hapon (Mayo 5).

Ikalawa na ito sa naitala ngayong araw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong alas-2:19 ng hapon umano tumama ang lindol sa West of Pandan, Catanduanes, ayon sa Phivolcs.

Nauna nang tinamaan ng 4.6 na lindol ang Catanduanes kanina.

Nilinaw naman ng Phivolcs na ang ikalawang lindol ay hindi aftershock ng nauna.

Samantala, inugoy din ng intensity 3 ang mga lugar sa Guinayangan, Quezon; at Sorsogon City, Sorsogon habang intensity 2 naman ang naramdaman sa Lucban, Quezon. Ramdam din ang lindol sa ilang parte ng Metro Manila.

Nag-abiso naman ang Phivolcs sa mga residente sa posibleng aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?