35

By

Catalan nagpaalam na bilang pinuno ng NPS

Sharing is caring!

Nagpaalam na si Acting Prosecutor General Jorge Catalan sa kanyang pwesto bilang pinuno ng National Prosecution Service (NPS).

Sabay na hinahawakan ni Catalan ang tanggapan ng Prosecutor General at City Prosecutor ng Lungsod ng Makati.

Ito ay nang italaga siya ni Dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II bilang Acting Prosecutor General noong June 22, 2017.

Pero sa kanyang dalawang pahinang liham kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hiniling niya na alisin na sa kanyang responsibilidad ang pagiging Acting Prosecutor General simula sa June 29, 2018.

Ayaw umano niyang may makompromiso o masakripisyo sa pagganap niya ng dalawang tungkulin.

Dagdag pa ni Catalan, ipinagpapasalamat niya ang pagkakataon na ibinigay sa kanya.

Samantala sa isang maikling mensahe, tinanggap na ni Guevarra ang pag-alis ni Catalan sa tanggapan ng Prosecutor General.

Bukas umano ay kanyang iaanunsyo ang magiging pansamantalang pinuno ng NPS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?