77

By

Casugay flag bearer sa closing ceremony

Usap-usapan pa rin ang ginawang kabayanihan ni Roger Casugay nang iligtas nito ang kalaban nitong si Arip Nurhidayat ng Indonesia sa men’s longboard open competition sa 30th Southeast Asian (SEA) Games sa Monaliza Point sa San Juan, La Union.

Dahil sa kanyang sportsmanship at kabayanihan, maging si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ay masaya sa ipinakitang tunay na ugali ng isang Pinoy warrior na si Casugay.

Ayon kay Team Philippines chef de mission Ramirez, magkakaroon ng malaking partisipasyon si 24-year-old Casugay sa closing ceremony ng biennial meet dahil siya ang magiging flag bearer.

“The SEA Games awakened the bayanihan spirit and volunteerism among us. The very spirit shown by the heroism of Roger who gave up his chance for a golden finish to save an opponent at risk of losing his life to the very waves they play in,’’ hayag ni Ramirez. “Truly a class act, a solid show of the Filipino spirit.’’

Isasama rin aniya niya si Casugay sa awarding sa Malacañang.

“I will include Roger in our awarding in Malacañang to meet the President. The PSC will give him a plaque of recognition for his heroic deed and a cash incentive to be approved by the PSC Board,” ani Ramirez.

Sumilo ng gold medal si Casugay sa male surfing longboard open nitong Linggo. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?