19

Jun 13, 2021 @ 20:20

Castro, TNT atat sa NCR ensayo

Niluwagan ang quarantine level sa NCR-Plus, bukas na ang fitness gyms, racket courts at skating rinks sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Pero hanggang 30 percent capacity lang ng gyms ang puwede, kaya hindi pa makabalik sa Big City ang PBA teams na nag-e-ensayo sa labas.

Sina Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario, Poy Erram at TNT inip na bumalik ng NCR, pero hindi pa bumibitaw sa Ilocos Norte.

Bumalik ng Ilocandia ang Tropang Giga, pati ang sister team Meralco, para ituloy ang training sa Laoag City Centennial Arena.

“Ang schedule talaga namin hanggang another week pa kami dito,” ani TNT coach Chot Reyes Linggo. “Pero that was a schedule that was done before lumabas itong huling balita.”

Inaasahang bababa na sa normal GCQ ang NCR-Plus sa Miyerkoles, pero kailangan munang klaruhin kung puwede nang magkasa ng 5-on-5 ang PBA teams sa kani-kanilang practice facilities sa Metro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?