11
la-tenorio
By

Castro, Tenorio, Cabagnot pambara ng Luzon squad

Sharing is caring!

Sa Batangas City Coliseum sa Biyernes, Mayo 25, naman magpapasiklab ang PBA All-Stars sa ikalawang stop ng three-leg midseason extravaganza.

Sa unang installment nitong Miyerkoles ay nabigyan ng treat ang fans sa Davao del Sur Coliseum sa bakbakan ng Mindanao selection at Smart National Team.

Mga pambato ng Luzon selection naman ang tatasa sa Philippine squad sa Batangas.

Alas-siyete ng gabi ang tipoff ng All-Star game.

Tutimunan ni coach Leo Austria ang Luzon squad nina Japeth Aguilar, Calvin Abueva, LA Tenorio, Paul Lee, Jayson Castro, Stanley Pringle, Matthew Wright, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Ian Sangalang at Raymond Almazan.

Sa Nationals sina June Mar Fajardo, Carl Bryan Cruz, Troy Rosario, Mac Belo, Allein Maliksi, Terrence Romeo, Gabe Norwood, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.

Gagamitin ng national squad ang midseason event na hatid ng Phoenix Fuel with Pulse Technology bilang paghahanda sa third window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Nanaig ang Nationals kontra Luzon All-Stars sa Lucena noong isang taon.

Bago ang game, papagitna sa alas-kuwatro ang big men ng liga sa Obstacle Challenge, Slam Dunk at 3-Point Shootout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?