152

Jul 28, 2019 @ 20:52
By

Castro sinampa sa 2-0 lead ang TNT vs Ginebra

Sa 4-of-7 sa 3-point shot pa-20 points at rekadong 5 assists at 4 rebounds, nilapit ni Jayson William Castro ang TNT sa pagsungkit ng unang silya sa Finals makalipas muling senglutin ang Barangay Ginebra San Miguel, 88-71, sa 44th PBA Commissioner’s Fcup 2019 best-of-5 semifinals Game 2 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nilimitahan ng KaTropa ang Gin Kings sa conference low — 71 puntos — upang mangailangan na lang ng isang panalo bukas upang makarating sa race-to-4 win Finals.

”Our defense did it for us. On offese, we share the ball. Sabi ni coach, enjoy the game lang. Going into the series, iyung mentality namin to gave our best lagi and then follow our game plan,” bunganga ni player of the game Castro.

Nagtala ng ikaapat na triple-double si TNT import Terrence Jones — 15 markers, 19 boards, 10 feeds kasama ang 4 blockls at 2 steals.

Paulan ng 16 sa itinirang 44 sa tres ang KaTropa upang makalayo sa Gin Kings sa second quarter. Tres ni Roger Ray Pogoy sa winning team sa 17 points lead sa 1:01 na lang ng final period, 88-71.

Huling kinapitan ng Gin Kings ang isang puntos na abante sa 35-34, 8:00 sa pangalawa yugto mula sa jumper ni Earl Scottie Thompson bago na lang naghabol ang defending champs

Bumuhos ang Katropa ng 10-0 bomba sa sumunod na minuto sa second stanza upang agawin ang abante sa 44-35 at unang itala ang siyam na puntos tungo na sa kabuuang 30 puntos nito at sandigan tungo sa panalo.

Tanging apat na puntos lamang ang naitalang kalamangan ng Gin Kings na kinakailangan ngayon na walisin ang sunod na tatlong laro upang agawin ang silya sa finale.

Ang iskor:
TNT 88 – Castro 20, Pogoy 18, Rosario 16, Jones 15, Heruela 11, Trollano 5, Reyes 3, Taha 0, D. Semerad 0, Casino 0.
Ginebra 71 – Brownlee 25, Aguilar 14, Thompson 13, Tenorio 11, Slaughter 4, Pringle 2, Mariano 2, Devance 0, Chan 0, Caguioa 0, Teodoro 0.
Quarters: 21-21, 51-42, 68-55, 88-71.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?