80

Feb 12, 2018 @ 19:02
By

Castro kinanti ang KaTropa

Dalawang sunod na talo na ang natamo ng TNT Katropa kung kailan kailangan nilang manalo para mapabilang sa Top 8 teams na papasok sa playoffs ng PBA Philippine Cup.

“Actually hindi kami sanay na ganito,” panimula ni Jayson Castro. “Siguro we need to find ways para makabalik sa winning column kasi two straight losses, napakabigat na sa amin, especially dikit-dikit sa standings. So kung paano iyon ‘di namin alam pero sa Wednesday game siguro talagang do-or-die game na sa amin iyon.”

Matapos ang pagkatalo sa Phoenix Petroleum, 72-74, noong Pebrero 7, nasundan ito noong Linggo kontra Ginebra, 78-93.

Sunod na makakalaban ng Texters ang GlobalPort sa Miyerkoles, alas-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Kagagaling lang din ng Batang Pier sa talo laban sa Alaska Milk, 98-105, noong Peb. 4 sa Ynares Center, Antipolo City.

“‘Di na kami puwedeng matalo. Hindi na Xs and Os, na puro game plan. Siguro kailangan ipakita namin ‘yung effort talaga na kapag natapos ‘yung game nandoon pa rin kami,” hirit ng 31-anyos na si Jayson. “Kasi palaging pagdating ng fourth quarter, five minutes, three minutes doon kami nawawala, eh.

“Siguro doon lalabas ang pagka-beterano namin, ako, kung paano namin iha-handle sitwasyon na iyon at the same time kung paano namin ipapakita sa mga younger players.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?