88

Mar 2, 2019 @ 21:24
By

Castro hindi interesado na maging House Speaker

Tinanggihan ni House Majority Leader at Capiz Rep. Fredenil Castro ang mga suhestiyon na sumabak siya sa pagka-Speaker ng House of Representatives.

Ayon kay Castro, hindi umano kailanman sumagi sa kanyang isip na maging Speaker of the House of Representatives of the Philippines dahil sapat na umano sa kanya na naging deputy speaker siya at ngayo’y ikalawa naman sa pinakamakapangyarihan sa Mababang Kapulungan.

Ikinokonsidera si Castro bilang isa sa malakas na kandidato sa pagka-speakership na babakantehin ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa nakatakda nitong pagreretiro sa politika.

Kabilang sa mga lumulutang din na pangalan sa speakership race sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at dating House Minority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?