107

Oct 25, 2017 @ 14:01

Castelo sa PNP, AFP: ‘Wag ningas-kugon!

Hindi umano dapat maging maging kampante ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP ) sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad kahit pa nadurog na ang teroristang Maute sa Marawi City.

Ayon kay House committee on metro manila development chairman Winston Castelo, mismong si Pang. Duterte na ang nagsabi na nananatili ang banta ng terorismo kaya hindi dapat ningas-kugon ang mga otoridad.

“President Rodrigo Duterte’s call for vigilance despite the end of the Marawi City crisis should be heeded by all Filipinos as the Islamic State (IS) threat will remain constant for the foreseeable future,” sabi ng kongresista.

Sabi ni Castelo, pagkatapos ng giyera sa Marawi City, hindi maisasantabi ang posibilidad na maghiganti ang mga kaalyado ng Maute group pati ang pinangangambahang spill over sa Metro Manila.

Dagdag security nightmare anya ito sa harap nang magaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Nobyembre na dadaluhan ng mga lider ng iba’t ibang bansa.

“The Asean Summit, scheduled from November 10 to 14 in which world leaders are expected to attend, is expected to be a huge security challenge for state forces,” pahayag ni Castelo.

Tiwala naman si Castelo sa kakayahan ni NCRPO Dir. Oscar Albayalde pero umapela rin ito sa publiko ba makipatulungan sa mga otoridad.

Binigyang diin ng kongresista na mahalaga ang kooperasyon ng mamamayan sa ipinatutupad na security measures gaya ng checkpoints at agad na pagre-report ng kahina-hinalang mga aktibidad. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?