79
ABANTE winnie castelo dfa ofw special lane
Jan 11, 2018 @ 12:40
By

Castelo sa DFA: Maglagay ng special lane para sa OFWs

Umapela si Quezon City Rep. Winston Castelo sa Department of Foreign Affairs (DFA) na maglagay ng special lane para sa mga overseas Filipino worker na nagre-renew ng kanilang mga pasaporte.

Ito’y sa gitna ng ulat na pahirapan ang online appointment system ng DFA.

Ayon kay Castelo, hindi na dapat pinahihirapan ang mga OFW sa passport renewal lalo na iyong mga nasa Pilipinas lamang para sa maikling bakasyon at kailangang bumalik agad sa ibang bansa.

Marami ang nagrereklamo na ngayon pa lamang ay Marso na ang pinakamaagang appointment date.

Pinatitingnan rin ng kongresista sa DFA ang mga ulat na may ilang travel agencies ang nagbebenta ng January appointment slots sa halagang P4,000.

Sabi ni Castelo, pwedeng may ilang sindikato ang nagsasamantala sa kahinaan ng ahensya na tugunan ang demand sa passports.

“I will be asking the DFA for a report to see if there’s a need for the House to investigate this issue,” ani Castelo. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?