10

By

Castelo, nanawagan ng flood summit

Sharing is caring!

Kasunod ng mga pagbahang dulot ng tuloy-tuloy na ulan, iginiit ni Quezon City Rep. Winston Castelo na kailangan ang agarang flood summit.

Ayon kay Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila development, ang regular na pagbaha tuwing malakas ang ulan ay hindi lamang abala sa mga Filipino dahil may mabigat na epekto rin ito sa ekonomiya.

Tinukoy nito ang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na nagsabing nasa mahigit P2 bilyon ang nalulugi sa ekonomiya sa kada araw na lubog sa baha ang mga lansangan.

Kaya naman sa mungkahing summit ng kongresista, layong pagsama-samahin ang mga miyembro ng gabinete, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, urban development experts at mga ekonomista para bumuo ng komprehensibong plano para maresolba ang matagal nang problema sa pagbaha.

Target dito na i-synchronize ang flood-control programs ng national at local government units.

Ang pangunahing concerns naman aniya sa summit ay ang pagtanggal ng mga basura sa mga estero at relocation ng informal settlers para malinis ang mga kanal.

“A comprehensive plan on informal settlers to prevent their displacement from work should also be part of the focus of the summit since merely relocating them only results to their eventual return,” sabi ni Castelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?