3,309

Jul 28, 2018 @ 21:32

Cast ng pelikula nina Vic, Maine at Coco, kumpleto na!

by Lito T. Mañago

Kumpleto na ang cast ng “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” ng CCM Films Productions, MZet Productions at APT Entertainment na pagbibidahan nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin.

It’s Kapuso celebrities versus Kapamilya stars!

Sa storycon kaninang hapon sa Novotel Manila, umapir na rin ang iba pang cast ng pelikula katulad nina Cherie Pie Picache, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryza Cenon, Arjo Atayde, Ronaldo Valdez, PJ Endrinal, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, Mark Lapid, at Tirso Cruz, III.

At dahil busy sa pagdidirek ng “FPJ’s Ang Probinsiyano” si Coco, papalit sa kanya si Michael Tuviera bilang direktor ng pelikula.

Ang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” ay official entry sa forthcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 this December at unang pagsasama ito nina Vic, Maine at Coco sa pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?