25
casio-teng-alaska
By

Casio, Manuel umeksena sa Alaska

Naka-duty sa Gilas sina Calvin Abueva at Carl Bryan Cruz, injured pa si Chris Banchero kaya umeksena sina JVee Casio at Vic Manuel para bitbitin ang Alaska sa 99-95 panalo kontra Rain or Shine Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Aces ang 11-game assignment sa eliminations sa 7-4, at nakasiguro na ng puwesto sa best-of-three quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Pinakaba pa ng Elasto Painters ang Aces bago nagsalpak ng baby hook si Manuel para sa pang-agaw lead 96-95.

Pagkatapos nito ay sinelyuhan ng dalawang free throws ni Casio ang panalo.

Sa unang pagkakataon sa kanyang seven-year career sa PBA, naglista ng triple-double sa kinamadang 22 points, 10 rebounds at 10 assists ang 31-anyos na si Casio, first pick overall ng Powerade Tigers noong 2011.

Pati si Alaska coach Alex Compton, nagulat nang malamang naka-triple-double si 5-foot-10 Casio at career-high ang ibinabang boards.

“Oh really? Yeah, I told him to do that, that’s good coaching,” biro ni Compton bago nagseryoso.

“You know JVee’s our leader, and we needed this game, and we had missed Calvin, Bryan and Chris. Chris is phenomenal in 2018 and he got injured,” aniya. “All those (rebounds) were above the rim, I’m sure. But it’s tremendous effort for a guy that small, he’s the smallest guy on the floor and he gets 10 rebounds. That’s just a lot of heart, that’s why he’s our captain.”

Isa sa nagpasakit ng ulo ni Compton si guard Maverick Ahanmisi na humarabas sa fourth para ibalik sa laro ang E-Painters. May 15 points si Ahanmisi sa fourth quarter tungo sa 23 points.

“Ahanmisi gave me about 800 new gray hairs in the fourth,” aniya. “He hit three 3s, right? And a three-point play, and he really helped bring ‘em back.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?