36

Oct 12, 2021 @ 17:43
By

Casio binitawan ng Alaska kapalit si Tolomia

Pabata ang Alaska Aces habang patuloy ang rebuild ng Blackwater Bossing sa nakatakda nilang palitan ng ilang manlalaro.

Bagamat hindi pa pormal na aprubado ng PBA, tangka ng Blackwater na makuha ang serbisyo ng beteranong si JVee Casio at bagitong big man na si Barkley Ebona.

Bilang kapalit ay makukuha ng Alaska ang scorer na si Mike Tolomia.

Si Casio ay na-draft noong 2011 ng Powerade Tigers at nalipat sa Alaska sa sumunod na taon kung saan siya kasama sa 2013 Commissioner’s Cup title squad.

Samantalang si Ebona naman ay bigman na maganda ang ipinakita noong nakaraang bubble season.

Patuloy ang pagbalasa ng Bossing sa kanilang lineup matapos ang 0-11 kampanya sa Philippine Cup at 19-game losing streak sa kasalukuyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?