70
senado
Mar 28, 2018 @ 11:07
By

Casino sa Boracay dapat aprub ng komunidad – Koko

Kung hindi aprub sa mga taga-Malay, Aklan, huwag itayo ang casino sa Boracay Island, ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel.

Mariing sinabi ni Pimentel na ang mga mamamayan ng bayan ng Malay na nakasasaklaw sa Boracay ang maapektuhan ng mabuti at masamang idudulot ng casino kaya dapat lang silang kasama sa pagdedesisyon.

Tugon umano ito sa diwa ng federalism na isinusulong ng administrasyong Duterte.

“Federalism is about empowering the people by involving them in the decision-making process. Even if the shift to Federalism has not happened yet, there is no legal impediment to adopting the principle of consultation,” ani Pimentel.

Inihayag ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo na inaprubahan nila ang provisional license para makapagtayo ng casino sa Boracay ang Galaxy Entertainment Group Ltd., casino operator sa Macau, at magiging local partner nito ang Leisure and Resorts World Casino.

Pinagsabihan ni Pimentel ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan at Sangguniang Pambayan ng Malay na magsagawa ng public consultations at gumawa ng kaukulang resolusyon mula rito para ihayag kung pabor o gusto ng mga tao sa pagtatayo ng casino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?