20

Jun 15, 2021 @ 18:28
By

Casimero, target pa rin si Inoue

Dumating na sa Las Vegas, Nevada si Pinoy champion Johnriel Casimero upang maagang simulan ang kanyang pagpapakondisyon sa napipinto niyang laban sa Agosto kontra kay Guillermo Rigondeaux.

Idedepensa ng 31-anyos na si Casimero ang kanyang WBO bantamweight belt kontra sa Cuban fighter na minsan na ring tumalo kay Nonito Donaire.

Ngunit bago pa man ipagpatuloy ang paghahanda sa kanyang parating na laban, may isa munang gustong masiguro si Casimero. Ito ay walang iba kundi ang makalaban ang Japanese champion na si Naoya Inoue.

Kinumpirma ni Sean Gibbons, presidente ng MP Promotions, na manonood si Casimero sa laban ni Inoue sa Hunyo 19 (oras sa US) sa Virgin Hotels sa Las Vegas, kung saan idedepensa ng Hapon ang kanyang WBA at IBF bantamweight belts kontra sa Pinoy na si Michael Dasmariñas.

Matagal nang gustong makaharap ni Casimero si Inoue, at kung sakaling magtatagumpay ang dalawa sa kanilang mga darating na laban ay dapat asahan ang kanilang bakbakan para malaman kung sino ang tunay na hari ng bantamweight division

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?