48

Jul 22, 2021 @ 18:53
By

Casimero kay Rigondeaux: ‘Wag kang tatakbo

Simple lamang ang mensahe ni Johnriel Casimero para sa makakatunggaling Cuban na si Guillermo Rigondeaux.

Sa isang virtual press conference nitong Huwebes, sinabi ni Casimero na umaasa siyang ‘di siya tatakbuhan ng 40-anyos na katunggali.

“I want this to be a fight. The fans want this to be a fight. I hope Rigondeaux doesn’t run. If he does, this will be a boring fight,” wika ni Casimero.

Minaliit ng Pinoy boxer ang mga unang laban ni Rigondeaux, kung saan nakapagtala ito 20 panalo at isang talo, at 13KOs.

“His old fights are no good. All he does is run, run, run. I want the Rigondeaux that doesn’t run, the one that boxes and fights,” dagdag pa ni Casimero.

“When I beat Rigondeaux on August 14, he’s going to retire. He’s finished. Finito!,” pagmamayabang pa ng Pinoy.

Itataya ni Casimero ang kanyang WBO bantamweight title sa labang gaganapin sa Carson, California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?