19

Sep 29, 2020 @ 22:16
By

Casimero ayaw sa pipitsugin

Ayaw na pumatol ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero sa mga patakbuhing laban, kilalang kalaban at malaking premyo ang mga gusto niya.

Ipinahayag ng 30-anyos na tubong Ormoc na nais niyang sunod na makasagupa sina World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) champion Naoya Inoue ng Japan at Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa 118 pounds o si Luis Neri ng Mexico na World Boxing Council (WBC) king sa 122 pounds.

Isa si Casimero sa mga bisita Martes na Online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?