105

Mar 10, 2020 @ 17:43
By

Casilao: P4.5B intel, confidential fund ni Duterte gamitin sa libreng face mask

Ang P4.5 bilyong intelligence at confidential fund ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dapat gamitin na rin para pambili ng face mask na libreng ipamimigay sa mga mahihirap na sektor upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19

Giit ito ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kasabay ng pagsasabing imbes na pagtalunan umano ang iminumungkahing lockdown sa Metro Manila, higit na mahalaga pa rin na dapat pagtuunan ng pansin upang hindi na kumalat pa ang virus ay ang pamamahagi ng libreng mask.

“While some government officials are chattering about lockingdown Metro Manila, the more important and urgent issue is to contain the spread of the virus, and a mass distribution of free face mask is feasible, especially to the poor sectors such as drivers, vendors, students, commuters, workers and others. They are the ones who don’t have the capacity to include this item on their daily budget,” ayon kay Casilao.

Ang intelligence at confidential fund umano ng Office of the President na umaabot sa P4.5 bilyon ay sapat na upang mabigyan ng libreng supply ng face mask ang kalahati ng populasyon ng Metro Manila.

“Duterte’s intel and confidential funds alone could buy 281 to 562 million face masks, enough for half Metro Manila’s population at around 6.4 million for a month and a half to 3 months, if one per day is to be provided,” dagdag ni Casilao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?