By

Cash subsidy para mahihirap na apektado ng TRAIN, madaliin – Bam

Sharing is caring!

Kinalampag ni Senador Bam Aquino ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Finance (DOF) para madaliin na ang pagbibigay ng tulong-pinansyal sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino na lalatayan ng pagpapairal ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act o Tax reform law.

Ayon sa senador, dapat ibigay na sa lalong madaling panahon ang cash subsidy dahil nag-uumpisa na ang pagtataas ng bilihin bunsod ng TRAIN.

Kung talagang seryoso tayong gawing positibo ang epekto ng TRAIN sa ekonomiya at sa lahat ng kababayan natin, itong programang ito na tutulong sa 10 million Filipinos – 10 million Filipino families, should be in place at the soonest possible time,” pahayag ni Aquino.

Sa TRAIN, itinaas ang buwis sa petrolyo, coal na ginagamit sa mga planta ng kuryente, sa mga sasakyan, mga inuming may asukal at iba pang produkto at serbisyo.

Dahil sa inaasahan nang pagtataas ng presyo ng mga bilihin dahil dito, sinabi ni Aquino na ipinasya ng Malakanyang, Senado at Kamara na ipasok sa batas na ito ang probisyon ukol sa pagbibigay ng cash subsidy sa 10 miyong pinakamahihirap na pamilya.

Bibigyan ang bawat pamilyang ito ng P200 kada buwan ngayong 2018 at gagawin itong P300 kada buwan sa 2019 at 2020.

Idaragdag ito sa natatanggap na kada buwan ng mahihirap na pamilya na cash subsidy sa ilalim ng conditional cash transfer program (CCTP) o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa debate ukol dito, hindi aniya pumayag ang DOF na itakda sa batas kung anong buwan ngayong 2018 uumpisahan ang pagbibigay ng subsidy kaya naman tumutol siya sa pagsasabatas ng TRAIN.”

Hopefully, the Departments of Social Welfare and Development (DSWD) and Department of Finance (DOF) will speed up the process. Sana huwag nang patagalin ang programang ito, gawin nila as fast as they can, and as efficiently as possible,” dagdag ni Aquino.

“Without a cash transfer program in place, poor Filipinos will bear the brunt of the increase in prices of goods and services due to the TRAIN,” diin pa nito.

Hindi naman aniya problema ang pagkukunan ng pondo dahil nakapaloob na ito sa pambasnang badyet para ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?