505
Cash gift para sa mga senior citizen ng Pasig, sinimulan na
Dec 18, 2019 @ 18:18
By

Cash gift para sa mga senior citizen ng Pasig, sinimulan na

Inumpisahan na ang pamamahagi ng cash gift na P3,000 para sa mga lolo’t lola na Pasigueño sa bawat barangay.

Ito’y matapos salain ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang listahan ng mga nakatatandang Pasigueño at nadismaya sa mga pangalan na nasa senior citizens list.

May natuklasan kasi sa record na may mga nasa listahan pa ngunit matagal na itong pumanaw at mayroon ding doble-doble ang pangalan.

Kaya naman tiniyak ng alkalde na may team mula sa city hall na bababa sa mga barangay upang magsagawa ng satellite registration nang sa gayon ay hindi na kailangan pang pumunta ng mga senior citizen sa OSCA office sa city hall.

Ayon kay Concilor JunJun Concepcion, sinisiguro na sa susunod na taon ay na-monitor na ang listahan ng mga senior citizen upang hindi na magkaroon ng problema pa sa bigayan at ihahatid mismo sa kanilang bahay upang hindi na pumunta pa sa OSCA office ang mga lolo at lola.

“Maghintay-hintay lang po ang ibang mga barangay dahil tulad ng ‘Pamaskong Handog’ titiyakin din ng ating Mayor Vico na lahat ay makatatanggap,” ayon pa kay Concepcion.

Sisikaping matapos ang pamimigay sa iba pang mga barangay bago dumating ang Pasko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?