21
bora4
By

‘Cash for Work’ sa Boracay, pinaplantsa na

Sharing is caring!

Inaayos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ikakasang Cash-for-Work Project sa isla ng Boracay.

Sa pahayag ng DSWD, nakikipagtulungan na sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para matukoy ang mga lugar kung saan ipapatupad ang programa, gayundin ang bilang ng mga maaaring makasama.

Nabatid na simula noong Abril 23 o tatlong araw bago isara ang isla, nakapaglabas na ang DSWD ng higit P9.7 milyon sa 4,129 indibiduwal, kasama na rito ang nabigyan ng pasahe at tulong pinansiyal sa kanilang pag-uwi.

Samantala, dalawang pribadong grupo, ang New Life Boracay at Blue Lotus, ay nagsimula na ring mamahagi ng pagkain sa mga pulis at staff sa DSWD Operations Center at maging sa mga apektadong trabahador.

Balak din ng kagawaran na araw-araw na magbigay ng updates ukol sa tulong pinansiyal na kanilang nailabas at sa bilang ng mga tumanggap ng tulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?