guro
By

Cash card sa mga gurong nagsilbi sa BSKE, ibibigay na

Sharing is caring!

Bumuo na ang Commission on Elections (COMELEC) ng mga help desk para tumugon sa isyu ng pamamahagi ng cash card para sa mga gurong nagsilbi sa katatapos pa lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa statement na ipinadala ni Director James Jimenez, tagapagsalita ng COMELEC, ang mga help desk ay itinalaga para sa mas mabilis at episyenteng distribusyon ng cash card.

Laman ng cash card ang honorarium ng mga gurong naging myembro ng electoral board.

Para sa naging chairperson ng electoral board, tatanggap sila ng anim na libong pisong honorarium, ang mga nagsilbing myembro naman ay limang libong piso, ang Department of Education Supervisor Officials ay dalawang libong piso at ang support staff ay dalawang libong piso.

Tatanggap din sila ng karagdagang isang libong piso bilang travel allowance.

Sa ilalim ng Republic Act 10756, ang honoraria at allowance ay kinakailangang maibigay sa loob ng 15 araw pagkatapos ng petsa ng eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?