20

Nov 6, 2020 @ 18:40
By

Cascolan puwede mag-extend na PNP chief

Bukas si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan na pahabain ang kanyang termino para mas marami pa siyang magawa matapos ang dalawang buwan lang niyang paghawak sa posisyon.

“Puwede tayo ma-extend. Of course, tuloy ang retirement pero sana pagbigyan pa rin tayo. We hope we will be extended,” pahayag ni Cascolan sa panayam sa Teleradyo nitong Biyernes.

Nakatakdang magretiro si Cascolan sa Nov. 10, kapag tumuntong na siya sa mandatory retirement age na 56.

Sa kabila naman aniya na maiksi lang ang naging panunungkulan niya bilang hepe ng pambansang pulisya ay nakagawa siya ng 9-point action agenda kabilang ang paglilipat sa pulis sa mga lugar kung saan ito kinakailangan.

“Well, even though it was a short term, I think I have given more than a year of service to the people of the Philippines… It’s not how long you will serve. It’s how much you can serve or how much you can give for your organization,” sambit ni Cascolan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?