124

Apr 5, 2018 @ 17:51
By

‘Carwash holdap’ gang natunton sa GPS

Natunton sa pamamagtan ng Global Positionng System (GPS) nang ninakaw nilang cellphone ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang limang sinasabing miyembro ng ‘carwash gang’ holdap syndicate na responsable sa pagho-holdap sa mga carwash establishment sa Quezon City,

Kahapon ay iniharap sa mga mamahayag ni QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Joven Sabalza, 19, Roel Mendoza, 26, Jace Solis, 24, John Asuncion, 33 at isang 14-years old na babae na hindi na tinukoy ang pangalan.

Agad namang lumutang ang ilang mga biktima na tumangging ihayag ang kanilang pangalan sa media presentation upang positibong kilalanin ang mga suspek.

Ayon kay Gen. Eleazar, ang mga suspek na pawang sakay ng motorsiklo ay nagpapanggap na magpapa-carwash sa kanilang mga bibiktimahin.

Magugunitang nitong Abril 3 lamang ay magkasunod na ninakawan ng mga suspek ang dalawang carwash shop sa loob lamang ng isang oras sa Mindanao Avenue na pag-aari nina Maria Celeste Umbak at Isabela Briones.

Nagreport sa himpilan ng pulisya ang mga biktima kaya nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng Talipapa Police Station 3 ng QCPD na panamumunuan ni P/Supt Danilo Mendoza.

Natunton ang mga suspek sa kanilang hideout sa 4-B North Ville Brgy. Lambakin, Marilao Bulacan sa pamamagtan ng GPS sa cellphone ng isa sa mga biktima na kanilang hinoldap at nnakawan.

Nasamsam sa mga suspek ang P242,000.00 cash, iba’t-ibang stolen items, motorsiklo, baril at bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?