34

Sep 11, 2021 @ 22:02
By

Carwash boy kinatay ng kelot sa QC

Patay ang isang 27-anyos na carwash boy nitong Biyernes nang pagsasaksakin ng isang lalaki sa Barangay Lourdes, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ricky Dean Bermudez.

Ayon sa awtoridad, inaasikaso ni Bermudez ang isang kustomer sa loob ng carwash nang dumating ang suspek na si Marlon Lee alias Kiko, 25-anyos.

May dala raw na patalim si Lee at pinagsasaksak si Bermudez na agad nitong kinamatay.

Agad na ikinasa ng mga pulis ang follow-up operation hanggang sa matunton ang kinalalagyan ni Lee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?