13
Carwash boy
By

Carwash boy natagpuang patay sa barracks

Sharing is caring!

Nagulantang ang mga kasama sa trabaho ng isang carwash boy makaraang matagpuang wala nang buhay ang biktima sa loob ng kanilang barracks sa Kapitolyo, Pasig City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Roberto Hedoc Brebonoria, 30, tubong-Baao, Camarines Sur at nanunuluyan sa pinagtatrabahuhang carwash shop sa No. 16 East Capitol Drive, Barangay Kapitolyo, Pasig City.

Batay sa report, umaga na nang makitang wala nang buhay ang biktima makaraang gigisingin na ito ng kasamahan sa trabaho bandang alas-6:10 ng umaga para magbukas ng carwash shop.

Nagulat ang kasamahang nakilala lamang sa alyas na Totoy nang makitang nagkukulay talong na ang biktima kaya agad na ipinalaam sa kanilang amo.

 Agad na ini-report sa pulisya ang pangyayari habang masusing nag-iimbestiga sina PO1 Tadeo at PO1 Dacquil ng PCP 1 kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?