7

By

Carter, 5 judoka ang bet sa Asiad

Sharing is caring!

MAGBABALIK ang apat na Malaysia 29th Southeast Asian Games 2017 medalists, sa pag-angkla nina gold winner Kiyomi Watanabe at Mariya Takahashi, para timunan ang Pilipinas sa 18th Asian Games 2018 judo competition sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.

Ito ang napag-alaman ng Abante kay Philippine Judo Federation president David Carter sa 1st PSC-POC Media Group Phoenix Petroleum Siklab Youth Sports Award Night 2018 sa Century Park Hotel sa Malate, Manila Miyerkules ng gabi.

Trangka sa 5-player PHL squad sa quadrennial Asiad sina International Judo Federation No. 19, 21-year-old, 5-foot-7 Cebu-born, at reigning three-time SEA Games champion Watanabe sa women’s division -63-kilogram, at IJF No. 80 17-yr. old at kapwa Fil-Japanese Takahashi sa women’s -70-kg.

Kasama rin ang SEAG bronze medalist kambal na magkapatid, 21-taong-gulang na mga Pinoy-Hapones ding sina world No. 156 Shugen Nakano sa men’s side -66kg at world No. 144 Kaisei Nakano sa men’s -73kg.

Kumukumpleto sa lineup para sa bansa na target ang unang medal sa sapul nang masama ang judo sa Asiad noong 1986 sa Seoul, South Korea, si veteran internationalist, world No. 166 Megumi Kurayoshi, 25, sa women’s -57.

“Mahirap magsalita ng tapos. Basta ang masasabi ko lang ngayon, lahat sila medal potentials sa Asian Games at sa tingin ko may magme-medal diyan sa limang pambato natin,” bigkas ni Carter. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?