70

Jan 3, 2018 @ 13:01

Carrie Underwood naaksidente, tinahi ang mukha

Isiniwalat ni Carrie Underwood na sumailalim siya sa 40 hanggang 50 tahi sa kanyang mukha maliban pa sa operasyon sa kanyang wrist matapos na aksidenteng mahulog sa hagdanan ng kanyang bahay.

Unang sinabi ni Underwood, 34-anyos, na nabali ang kanyang kamay partikular na ang bandang pulso at kamakailan lang ay sinabing nagdulot din ng maraming hiwa sa kanyang mukha ang aksidente.

“In addition to breaking my wrist, I somehow managed to injure my face as well. I’ll spare you the gruesome details, but when I came out of surgery the night of my fall, the doctor told [Underwood’s husband] Mike that he had put between 40 and 50 stitches in,” ani Underwood sa People.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?