93

By

Carpio uupong acting Chief Justice sa pagreretiro ni De Castro

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Supreme Court Spokesperson Atty. Ma. Victoria Guerra na si Senior Associate Justice Antonio Carpio ang magiging Acting Chief Justice Ito ay sa sandaling magretiro na si Chief Justice Teresita De Castro.

Ayon kay Guerra, base sa Section 12 ng Republic Act 296 o ang Judiciary Act of 1948 , ang Senior Associate Justice ang awtomatikong uupong acting chief justice kapag bakante ang nasabing posisyon.

Mananatiling acting chief justice si Carpio hanggat walang naitatalagang bagong punong mahistrado.

Pero hindi ito ang unang pagkakataon na naging pansamantalang pinuno ng Hudikatura si Carpio.

Dati na niyang hinawakan ang posisyon noong nag-leave si Chief Justice Renato Corona hanggang sa mapatalsik ito at mapalitan sa pwesto.

Si Carpio din ang acting Chief Justice nang mag-indefinite leave si Sereno noong March 1 hanggang sa pagbabalik nito sa puwesto noong noong May 9, isang araw bago magbotohan ang korte sa Quo warranto petition na nagpatalsik kay Sereno.

Habang dinidinig ang apela ni Sereno ay umupo muli si Carpio na acting chief justice hanggang sa tuluyan nang pagtibayin ng korte ang pagpapatalsik kay Sereno hanggang sa maitalaga ang bagong chief justice na si Teresita de Castro noong Agusto 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?