31

By

Carpio tinanggap ang automatic nomination para sa SC Chief Justice

Sharing is caring!

Tinanggap na ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang kaniyang awtomatikong nominasyon para sa Chief Justice post upang humalili sa puwestong binakante ng kakaretiro lang na si Teresita de Castro.

Buhat noong magretiro si de Castro noong Oktubre 10, si Carpio na ang tumatayong acting Chief Justice, at inihayag na rin noong mga nakaraang araw na hindi niya tatanggihan ang automatic nomination bilang Punong Mahistrado.

“There is no more reason for me to decline,” pakli ni Carpio nang kanyang tanggihan ang nominasyon noong ma-impeach ang dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil ayaw niya umanong magkaroon ng benepisyo lalo’t naniniwala siyang mali ang sistema ng pagpapatalsik kay Sereno.

Isa si Carpio sa mga pinaka-senior na Associate Justice sa Korte Suprema, at lima ang binigyan ng automatic nomination.

Samantala, hindi naman tinanggap ni Justice Mariano del Castillo ang kanyang automatic nomination dahil kulang aniya siya sa oras upang mapagsilbihan ang nasabing posisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?