289

Jan 6, 2022 @ 17:45
By

Carpio: Marcos certified convict

Tinawag ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio si presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. na “certified convict”.

Sa isang forum na hinost ng opposition coalition 1Sambayan, sinabi rin ni Carpio na disqualified si Marcos Jr., sa pagtakbo sa pagka-pangulo.

Giit ni Carpio, hindi pa nagsilbi sa kanyang sentensiya si Marcos Jr., sa naging desisyon ng Court of Appeals na nagpatibay sa tax conviction nito noong 1995.

Wala rin aniyang record sa Quezon City Regional Trial Court na nagbayad na si Marcos Jr., ng multa.

“BBM (Bongbong Marcos) is still a certified convict who is disqualified to run for president of the Philippines, to vote and to participate in any election in our country,” lahad ni Carpio.

“He has not served his sentence. This means that the BBM disqualification under Section 12 of the Omnibus Election Code has not been lifted,” dagdag niya.

Inakusahan naman ng kampo ni Marcos Jr. ang banat ni Carpio na “poorly scripted” at laughable political antics”. (IS)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?