369
views
duterte51
By

Carpio ‘di pipilitin kung ayaw maging Chief Justice – Duterte

Sharing is caring!

Hindi ipipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok na maging susunod na punong mahistrado si acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio.

Sinabi ng Pangulo na nagsabi na si Carpio na hindi ito interesado at hindi tatanggapin ang alok kaya hindi na niya ito uulitin pa.

Ayaw niyang magmukhang sira ulo kung itatalaga si Carpio dahil naging hayagan na ang pagtanggi sa binakanteng puwesto ni Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ng Presidente na hihintayin na lamang nito ang ang shorlist na mangggaling sa Judicial and bar Council (JBC) at kukunsultahin niya rin ang ilang naging law professor niya sa San Beda College of law.

Naging tradisyon aniya na kasama sa shortlist ang limang pangalan ng mga justices kayat saka niya pagpapasyahan ito kapag naikonsulta na sa mga legal luminaries.

“Sabi niya that he is not interested and he will not accept. But since it is really the tradition na ipasok mo talaga lahat, he cannot prevent that siguro beause his name is there. But the guy has already said that he is not interested and he does not want the position, ano naman magawa ko. So ang sunod is I think its the first five,” anang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?