2,296

Nov 5, 2021 @ 14:53
By

Carpio: CA inabsuwelto sa kulong si Marcos Jr.

“Because he is Bongbong Marcos, the Court of Appeals (CA) gave him a pass.”

Ito ang inihayag ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kaugnay sa pagpataw lamang ng multa kay Ferdinand Marcos Jr. sa bigong pag-file ng kanyang income tax returns (ITR) ng tatlong beses.

Giit ni Carpio, kung ordinaryong tao ang hindi nag-file ng kanyang ITR ng tatlong beses, tiyak aniyang hahatulan itong makulong ng tatlong taon.

Pero dahil isang Bongbong Marcos aniya ang nagkasala, binaba ang parusa sa pagbabayad na lamang ng multa, dagdag ni Carpio.

Sa panayam sa “After the Fact” ng ANC, sinabi ni Carpio na dapat kanselahin ng Commission of Elections (Comelec) ang certificate of candidacy ng nasabing presidential aspirant dahil sa pagkaka-convict nito sa tax case.

Malinaw aniya na suportado ng batas ang petisyong inihain ng mga civic group laban sa pagtakbo ni Marcos Jr. – dahil nahatulan ang nasabing kandidato noong 1995 matapos mabigong mag-file ng mandatory income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

Pinagtibay aniya ng CA ang hatol kay Marcos Jr. noong 1997 ngunit pinatawan lamang ito ng multa.

“If this happened to an ordinary person, he did not file from ’82 to ’85, he would be sentenced to three years for each count. Because he is Bongbong Marcos, they reduced the penalty to only a fine,” lahad ni Carpio.

“The Court of Appeals gave him a pass. It’s very unusual. Inexplicable for the Court of Appeals to reduce the penalty, without explanation, they did not explain why it was reducing it,” dagdag niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?