83

Jan 27, 2018 @ 22:10

Caroline Wozniacki tinanghal na Grand Slam champion!

Nasungkit ni Caroline Wozniacki ang una niyang Grand Slam singles title matapos magtala ng 7-6 (2), 3-6, 6-4 kontra Simona Halep sa Australian Open final nitong Sabado.

Nabawi ni Wozniacki ang pagiging No. 1 sa ranking, na benepisyo sa paggapi niya sa top-seeded na si Halep.

Bagsak sa 0-3 ang kartada ni Halep sa major finals matapos mabigo rin ng dalawang beses sa championship match sa French Open.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?