588
carol
May 12, 2018 @ 19:06

Carol Banawa, ga-graduate na summa cum laude

Kasalukuyang nasa Amerika ang dating singer na si Carol Banawa kasama ang kanyang mister na si Ryan Crisostomo, at dalawa nilang anak.

Noong Setyembre ng nakaraang taon nang ibahagi ni Banawa ang pagiging registered nurse na niya sa US.

At ngayon nga ay may panibagong achievement na naman si Banawa.

Masayang inanunsiyo sa Facebook ng music talent manager nitong si David Cosico na ga-graduate si Banawa na summa cum laude pero hindi sinabi kung anong kurso ito.

“Spell Summa Cum Laude… Summa Cum Laude: C-A-R-O-L B-A-N-A-W-A C-R-I-S-O-S-T-O-M-O! Summa Cum Laude! Congratulations, NURSE Princess Jewel!” sabi ni Cosico sa post nito.

Maraming kantang pinasikat noon si Banawa gaya na lang ng “Bakit ‘Di Totohanin”, “Iingatan Ka” at “Tanging Yaman”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?