29

Oct 28, 2021 @ 12:52
By

Carnapper nadakip, nahulihan pa ng shabu

Naaresto ng mga awtoridad ang isang carnapper sa Candelaria, Quezon noong Miyerkoles kung saan bukod sa nakaw na kotse ay nakarekober pa ang mga pulis ng isang sachet ng shabu.

Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si John Michael Solis, 24-anyos.

Ni-raid umano ng pulisya ang tahanan ni Solis sa Barangay Malabanban Norte dakong alas-11:30 p.m. ng gabi, kung saan nila narekober ang Toyota Vios 2021 na ninakaw umano ng suspek sa San Pablo City, Laguna noong Setyembre 23.

Ngunit sa gitna ng paghalughog sa bahay ng suspek ay nadiskubre pa ng mga pulis ang isang sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10,200.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso si Solis. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?