22

Jun 9, 2020 @ 13:05
By

Carnapper na may kaso rin sa Laguna, nadapuhan ng pulisya

Natapos din ang pagtatago sa batas ng isang carnapper na may pending case rin sa Laguna, matapos siyang madampot sa kanyang tahanan sa Valenzuela City kagabi.

Kinilala ang suspek na si Alien Policarpio, 48-anyos ng Villa Marta Compound, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-siete ng gabi, nilusob ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang bahay ng suspek matapos na makatanggap ang mga pulis ng impormasyon na naroroon.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 269 sa kasong carnapping noong November 18, 2019, pinosasan ito kaagad ng mga pulis nang makorner.

Nabatid na may pending theft case si Policarpio sa Sta. Cruz Laguna noong June 17, 2019.

Itinuturing ng Valenzuela Police Station na No. 6 most wanted ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?