185

Oct 25, 2017 @ 12:00

Carmina at Zoren credibility ang puhunan

By JOJO GABINETE

Parang natupad ang pangarap ni Carmina Villarroel na maging pharmacist dahil bilang brand ambassador ng CitiDrug, binigyan ang pamilya nila ni Zoren Legaspi ng franchise ng competitive generics at branded medicines pharmacy.

Hindi basta pharmacy ang 60-operational outlets ng CitiDrug dahil one-stop-shop drugstore din ito na may convenient store, loading stations at bills payment services kaya tuwang-tuwa si Cassy, ang nag-iisang anak na babae nina Carmina at Zoren.

“Having a loading station and bills payment services inside the pharmacy is just cool. Sounds so exciting,” ang sabi ni Cassy na maaga pa lang, alam na ang kahalagahan ng pag-iipon ng pera dahil ito ang natutunan nila ng kanyang twin brother na si Mavy mula sa kanilang mga magulang.

“The money they earn from their guestings, for example, is theirs. They can spend it the way they want it provided they spend it wisely,” ang turo nina Carmina at Zoren sa kanilang mga anak.

Sa tulong ng star power at credibility ng pamilya nina Zoren at Carmina, umaasa ang management ng CitiDrug na matutupad ang target nila na magkaroon ng 300 company-owned at franchise stores sa buong bansa kaya magbibigay sila ng discounted franchise packages sa first one hundred applicants.

Maaaring magpadala ng email sa franchising@citidrug.com.ph o puwedeng tumawag sa cellphone number 09277547239 ang mga interesado na magkaroon ng franchise ng drug store na ineendoso ng pamilya nina Zoren at Carmina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?