13

Mar 9, 2021 @ 13:26

Carmina Villarroel may silver play button na sa YT

Carmina Villarroel may silver play button na sa YT

Certified vlogger na talaga ang TV host at aktres na si Carmina Villarroel. Natanggap niya na kasi ang kanyang silver play button matapos magkaroon ng mahigit 100,000 subscriber sa Youtube.

“Oh my gosh, ito yung matagal ko nang inaantay! I finally got it after waiting for how many months. It’s my Silver Play Button,” anang aktres sa kanyang vlog na pianamagatang “Surprise Unboxing 📦.”

“Thank you to Youtube. Thank you to all of my subscribers. Hindi po mangyayari ‘to kung hindi dahil sa inyo. You, guys, are the best,” pagpapatuloy niya.

Lubos namang mapagpasalamat ang aktres sa pagsubaybay ng publiko sa kanyang channel. Aniya, personal niya kasing itinutuing ang mga vlog na inilalabas niya.

“This is really hard work kasi as you all know, my Youtube channel is very personal. This is intimate. You really get to know me and my family,” wika nito. (VAPA)

Kasalukuyang nasa mahigit na ang subscirber ng aktres sa YT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?