35

By

Carmina at Bitoy ka-good vibes ang reunion

Sharing is caring!

Tuwang-tuwa ang mga nakasaksi sa reunion nina Pepito Manaloto (Michael V.) at Maricar (Carmina Villaroel) sa well-loved family sitcom ng Kapuso Network noong Sabado.

Nakaka-good vibes ang mga nabasa naming comments sa social media habang pinapanood ito. Sabi ng ilang netizens sana raw ay for good na ang pagbabalik na ito ni Carmina sa show ni Bitoy lalo na at iba rin ang chemistry niya kasama ang pamilya ni Pepito na sina Elsa (Manilyn Reynes). Natural lang talaga ang dating at hindi OA ang pagpapatawa. Kailan kaya namin uli mapapanood ang Kapuso actress dito? Abangan!

Balik-teleserye rin si Carmina sa Kambal, Karibal na nagsimula noong Lunes. Sabi nga ni Carmina ay puro iyakan sila dito sa pilot week. Pero okay naman daw siya kahit medyo naninibago pa siya.

Si Carmina ay dating nasa GMA bago nagtrabaho sa ABS-CBN. Nag-umpisa siya sa mga guestings sa iba’t ibang TV shows bago sumabak sa teleserye. Pati nga ang mister na si Zoren ay nasa Ika-6 na Utos at lumabas din sa Eat Bulaga ang kambal nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?