152

By

Carmina, Aiko, Gelli, Candy nagtalo sa kutsinta

Pinagdiskusyunan ng magkakaibigang Carmina Villaroel, Aiko Melendez, Gelli de Belen at Candy Pangilinan ang tamang pagbigkas sa pangalan ng isang kakanin matapos nilang kumain.

Sa video na ipinoste ni Pangilinan nitong Dec. 14, humingi na ng tulong ang aktres sa kanyang followers tungkol sa tamang pagbigkas ng kutsinta.

“Hi guys may issue kami ngayon, malaki po issue namin. So ano ba ang tamang pronunciation? Kuntsinta, kutsinta or kutsita?” ani Pangilinan.

“Pareho kami kuntsinta. Ano po ba? Kasi ang kinalakihan namin kuntsinta,” ani Villaroel kung saan ang tinutukoy nito ay si Melendez.

Tinanong ng mga ito si De Belen kung saan sinabi ng aktres na “kutsinta.”

“May N? Walang N?” tanong ni Villaroel.

“Kutsinta!” ani De Belen.

“Ah, tayo kasi kuntsinta,” sabi ni Villaroel kay Melendez. “Ano ba talaga?”

“Hindi, may N pa rin yung sa akin, sa inta,” paglilinaw ni De Belen. “Kutsinta!”

Sumang-ayon naman si Pangilinan na lahat sila ay may N.

“Oo, may N dun, lahat tayo meron eh. Eto kuntsinta, may N rin sila run eh… Isa lang N namin pero meron tayong T. Kutsinta.”

“Hindi nga kami T! N nga kami!” salag naman ni Villaroel.

Karamihan naman ng fans na nag-comment ay sinabing ang bigkas nila rito ay “kutsinta” gaya nina De Belen at Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?